Braineos
Sign in
← Back to decks
Sign in to save your progress, vote, and build your own decks.Sign in

Filipino 7 (Multiple Choice)

Mahahalagang Tauhan sa Ibong Adarna

15 cards·by mikabel
Study this deckPlay Tower Defense
Sino ang makapangyarihang ibong nakatira sa punò ng Piedras Platas na makikita sa Bundok Tabor?
  1. ✓ Ibong Adarna
  2. Ibong Maya
  3. Ibong Pipit
Sino ang butihing hari ng Kahariang Berbanya na nagkaroon ng malubhang karamdaman?
  1. Haring Salermo
  2. ✓ Haring Fernando
  3. Haring Berbanya
Sino ang kabiyak ni Haring Fernando at ina nina Don Juan, Don Pedro, at Don Diego?
  1. Reyna Juana
  2. Reyna Leonora
  3. ✓ Reyna Valeriana
Sino ang panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang unang umalis at nakipagsapalarang hanapin ang mahiwagang ibon sa Bundok Tabor?
  1. ✓ Don Pedro
  2. Don Diego
  3. Don Juan
Sino ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Nang hindi makabalik si Don Pedro ay siya naman ang sumunod na tumungo sa kabundukan upang hanapin ang ibong makapagpapagaling sa kanilang amang may malubhang karamdaman?
  1. Don Juan
  2. ✓ Don Diego
  3. Don Pedro
Sino ang bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Makisig, matapang, at may mabuting kalooban. Siya ang tanging nakahuli sa Ibong Adarna sa Bundok Tabor at nakapagligtas sa kanyang dalawang kapatid?
  1. ✓ Don Juan
  2. Don Pedro
  3. Don Diego
Sino ang mahiwagang matandang ketongin na humingi ng tulong at ng huling tinapay ni Don Juan habang patungo siya sa Bundok ng Tabor. Siya ang nagsabi ng mga bagay na dapat gawin ni Don Juan sa pagdating niya sa Bundok Tabor?
  1. ✓ Leproso
  2. Ermitanyo
  3. Higante
Sino ang mabagsik, malakas at malupit na tagapagbantay ni Donya Juana. Nakatakas lamang si Donya Juana mula sa pagiging bihag niya nang matalo at mapatay siya ni Don Juan?
  1. Serpiyente
  2. Ibong Adarna
  3. ✓ Higante
Sino ang mahiwagang matandang lalaking naninirahan sa Bundok Tabor. Siya ang tumulong kay Don Juan upang mahuli ang mailap na Ibong Adarna?
  1. Leproso
  2. Higante
  3. ✓ Ermitanyo
Sino ang unang babaeng nagpatibok sa puso ni Don Juan. Isang higante ang nagbabantay sa prinsesa na kinailangang talunin ni Don Juan upang makalaya ang dalaga?
  1. ✓ Donya Juana
  2. Donya Leonora
  3. Donya Maria Blanca
Sino ang nakababatang kapatid ni Donya Juana na bihag naman ng isang serpiyente. Nang makilala siya ni Juan ay nahulog din ang loob ng binata sa kagandahang taglay ng dalaga?
  1. Donya Juana
  2. Donya Maria Blanca
  3. ✓ Donya Leonora
Sino ang alaga ni Donya Leonora na gumamot kay Don Juan nang siya'y mahulog sa balon dahil sa pataksil na pagputol ni Don Pedro sa lubid na nakatali sa kanyang baywang?
  1. ✓ Lobo
  2. Serpiyente
  3. Ibong Adarna
Ano ang tawag sa isang malaking ahas na may pitong ulo na nagbabantay kay Donya Leonora. Nakipaglaban dito si Don Juan at nang matalo niya ang serpiyente ay nakalaya na si Donya Leonora?
  1. Ahas
  2. Lobo
  3. ✓ Serpiyente
Sino ang prinsesa ng Reyno de los Cristales. Maraming taglay na kapangyarihan ang dalagang ito. Dahil sa laki ng pag-ibig niya kay Don Juan ay tinulungan niya ang binata upang malagpasan ang maraming pagsubok na inihain ng ama niyang si Haring Salermo. Sa huli ay sila rin ni Don Juan ang nagkatuluyan
  1. Donya Valeriana
  2. Donya Leonora
  3. ✓ Donya Maria Blanca
Sino ang ama ni Donya Maria Blanca na naghain ng napakaraming pagsubok na kinailangang malagpasan ni Don Juan upang mahingi ang kamay ng dalaga?
  1. Haring Fernando
  2. ✓ Haring Salermo
  3. Haring Cristales